Nadal kampeon sa French Open

PARIS--Tinalo ni Rafael Nadal si David Ferrer, 6-3, 6-2, 6-3, sa kanilang finals showdown para sa korona ng French Open.

Ang malakas na backhand approach ni Ferrer ay ginawang cross-court backhand passing shot na lamang ni Nadal para makamit ang kanyang record na 59 panalo sa 60 matches sa French Open at hirangin bilang tanging male netter na may walong titulo sa anumang Grand Slam tournament.

“I never like to compare years, but it’s true that this year means something very special for me,’’ sabi ni Nadal na nagmula sa isang left knee injury na nagpaupo sa kanya sa loob ng pitong buwan.

Apat na sunod na French Open titles ang inangkin ni Nadal mula no­ong 2005 hanggang 2008 at apat pang sunod noong 2010 hanggang 2013.

Si Nadal ay nasa ilalim nina Roger Federer (17) at Pete Sampras (14) sa paramihan ng titulo.

Show comments