National Athletes tuloy sa pananalasa Chepeco nanorpresa
MANILA, Philippines - Ipinagpatuloy ng mga National team members ang kanilang arangkada matapos magbida sa canoe/kayak/dragonboat at triathlon events, habang nanggulat naman ang isang pambato ng BENEL team sa archery sa kahaÂpon sa 2013 PSC-POC National Games.
Sinikwat ni Asian GaÂmes at Southeast Asian Games campaigner Danny Funelas ang kanyang ikatlong gintong medalya nang mamayani sa men’s 200-meter race sa canoe/kayak/dragonboat event sa Manila Bay.
Nagtala si Funelas ng bilis ng 51.57 segundo para ungusan sina Hermie Macaranas (52.27) at Reymart Nevado (52.76).
Idinagdag ni Funelas, bahagi ng Taytay Boys squad, ang naturang gold medal sa kanyang mga naÂunang pinaghariang men’s canoe 500-meter at dragon boat 10-crew 500-meter events.
Sa triathlon sa Philsports Arena sa Pasig City, inangkin national team standouts John Chicano at Kim Mangrobang ang mga gold medal sa kani-kanilang mga dibisyon.
Nagtala si Chicano ng oras na 1:00:56, habang nagrehistro si Mangrobang ng 1:13.34 sa men’s at women’s class, ayon sa pagkakasunod.
Ito ang ikatlong sunod na taon na nadomina sa women’s division si Mangrobang.
Sa archery sa PUP Field sa Sta Mesa, pumana ng dalawang ginto si Ian Chepeco ng BENEL team sa men’s double 50 compound at Olympic round compound mula sa kanyang mga 688 at 142 points, ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang nagbulsa ng ginto ay sina Rachelle Dela Cruz (women’s Olympic round recurve) ng Phl team, Marie Crizabelle Merto (women’s double 70 recurve) ng SUDAC, Flor Matan (men’s double 70 recurve) ng Phl team, Theodore Cabral (men’s Olympic round recurve) ng AIM-X at veteran Joann Tabanag (women’s double 50 compound) ng Phl team.
Sa billiards sa RMSC Billiards Hall, ginulat ng 13-anyos na si Cheska Centeno si dating Southeast Asian Games gold medalist Rubilen Amit, 7-6, sa nine-ball event.
Umabante si Centenosa susunod na round.
- Latest