Ipinatas ang kanilang serye ng slammers sa 1-1: San Miguel humataw sa opensa
Laro sa Martes
(Nimibutr, Bangkok)
8 p.m. Sports Rev
Thailand Slammers vs San Miguel Beer
MANILA, Philippines - Gumana ang mga guards ng San Miguel Beer para katampukan ang 91-60 demolisyon sa Sports Rev Thailand Slammers sa Game Two ng ASEAN Basketball League (ABL) semifinals kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Ang dating tikas sa opensa ay lumabas uli nang kakitaan ng 51% shooting ang home team, kasama ang 8-of-16 sa 3-point line, para makabaÂngon matapos maungusan ng bisitang koponan sa unang tagisan noong nakaraang Huwebes, 60-62.
“We have the talent but we have to work hard that is the key,†wika ni Beermen coach Leo Austria.
Tig-14 puntos ang ginawa nina Chris Banchero at Val Acuna habang si Jeric Fortuna ay mayroong 13 puntos sa 5-of-6 shooting, kasama ang 2-for-2 sa tres. May 12 pa si Leo Avenido habang si JR Cawaling ay nakapasok ng dalawang tres sa tatlong birada.
Seryoso na naglaro ang Beermen at sa second period ay nagpakawala ng tatlong sunod na tres sina Fortuna, Avenido at Acuna para tulungang ilayo sa 42-24, ang koponan sa halftime.
Si Wutipong Dasom ang nanguna sa Slammers sa 11 puntos habang ang mga inaasahang sina Christien Charles at Froilan Baguion ay wala sa tamang kondisyon nang tumapos bitbit ang siyam at pitong puntos lamang sa limitadong playing time.
Bagamat natalo, ang Slammers na tumapos sa pang-apat na puwesto sa eliminasyon, ay may hawak pa rin sa mahalagang homecourt advantage dahil puwede nilang tapusin ang best-of-five series kung maipanalo ang Games Three at Four sa Mayo 28 at 30.
Ang hindi lamang naÂging maganda sa panalong ito ng Beermen ay ang pagÂkakatalsik sa laro ni Justin Williams bunga ng dalawang unsportsmanlike fouls.
Hindi pa batid kung may kaparusahan na naghihintay ang import sa pamuÂnuan ng liga sa kanyang ginawa.
“Every time we play away, it’s a different situation. They know the situaÂtion and we have to be preÂpared,†dagdag pa ni Austria.
- Latest