^

PSN Palaro

Matapos iligwak ang Knicks sa game 6 Pacers ikinasa ang pakikipagharap sa Heat

Pilipino Star Ngayon

INDIANAPOLIS--Tinalo ng Indiana Pacers ang New York Knicks, 106-99, sa Game 6 para wakasan ang kanilang semifinals series at makapasok sa Eastern Conference Finals sa unang pagkakataon matapos noong 2004.

Tinapos ng Pacers ang kanilang best-of-seven semifinals series ng Knicks sa 4-2.

Makakaharap ng Indiana ang Miami Heat sa Game 1 sa Miyerkules.

Tumipa si swingman Lance Stephenson ng 25 points para pangunahan ang Pacers, habang nagdagdag ng 23 markers si Paul George at 21 si Roy Hibbert.

“That’s why they pay me the big bucks this summer, so I have to protect the paint,” sabi ni Hibbert, lumagda ng isang $58 million contract sa off season.

Nag-ambag naman si David West ng 17 markers at naglista si George Hill ng 12 points, 5 rebounds at 4 assists para sa Indiana.

Binanderahan ni All-Star Carmelo Anthony ang Knicks mula sa kanyang game-high na 39 points, samantalang nag-ambag naman si Iman Shumpert ng 19 points na tinampukan ng limang 3-pointers.

Nagdagdag ng 15 markers si J.R. Smith para sa New York.

Ang three-point play ni Stephenson ang nagbi- ­gay sa Pacers ng 95-92 bentahe.

Matapos kumalawit ng isang rebound at nagsalpak ng dalawang free throws, tinapik ni West ang mintis ni Stephenson para ilayo ang Pacers sa 101-94 sa huling 1:53 ng laro.

 

ALL-STAR CARMELO ANTHONY

DAVID WEST

EASTERN CONFERENCE FINALS

GEORGE HILL

IMAN SHUMPERT

INDIANA PACERS

LANCE STEPHENSON

MIAMI HEAT

NEW YORK

NEW YORK KNICKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with