Bulldogs asam ang panalo sa UP
MANILA, Philippines - Ikapitong sunod na panalo ang nais lapain ng National University sa UP sa pagpapatuloy ng Filoil Flying V Hanes Premier Cup ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Papasok ang Bulldogs mula sa 86-71 panalo sa Arellano University sa huÂling laban at paboritong makuha ang target sa Maroons sa larong mapapanood dakong alas-4:15 ng hapon dahil talunan ang State University sa unang apat na asignatura.
Ang La Salle ay magbabalak ding palawigin ang malinis na karta sa Group B sa limang sunod na panalo sa pagsukat sa husay ng Emilio Aguinaldo College dakong alas-2:30 ng hapon habang ang unang laro ay sa pagitan ng Letran at Lyceum sa ganap na alas-12:45 ng hapon.
Pasok na sa quarterfinals ang tropa ni coach Eric Altamirano sa Group A pero nais pa rin niyang makita ang intensidad sa kanyang mga alipores.
Patatatagin naman ng Archers ang paghahabol sa puwesto sa quarterfinals kung tatalunin ang GeÂnerals.
Papasok ang Archers mula sa 70-64 panalo sa Lyceum, isang labanang muntik na nauwi sa bench clearing.
- Latest