MANILA, Philippines - Iinit pa ang labanan paÂra sa awtomatikong puÂwesÂto sa Final Four sa pagÂsalang ng Blackwater Sports at Fruitas sa hiwalay na laro sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Quezon City
Kalaro ng Elite ang talsik nang Hog’s Breath sa alas-2 ng hapon matapos ang banggaan ng Shakers at Café France sa alas-12 ng tanghali.
Pakay ng Blackwater at Fruitas ang mahalagang panalo para sa insentibo na ibibigay sa top two teams matapos ang eliminasyon.
Dalawang magkasunod na pagkatalo ang nalasap ng tropa ni coach Leo Isaac na nagbaba sa kanila sa 7-3 baraha.
Ang mga kabiguang naÂlasap ay nagbukas din ng pinto para sa bataan ni coach Nash Racela na magÂbakasakaling makuha pa ang insentibo dahil nasa ikatlong puwesto sila kapos ng kalahating laro sa Elite sa 6-3 baraha.
May dalawang laro pa ang Shakers at sakaling maiÂpanalo nila ito at magÂkaÂtabla ang Elite sa 8-3 karta ay sila ang kukuha sa No. 2 dahil sa ‘winner-over-the-other rule’.
Ang NLEX ang nasa unaÂhan sa 7-2 record.
Tiniyak ni coach Isaac na gagawin ng koponan ang lahat ng makakaya para makadiretso sa Final Four.
“Kailangan naming maÂnalo hindi lamang para sa insentibo kungdi para magÂkaÂroon ng mahalagang moÂmentum papasok sa next round,†wika ni Isaac.
Sibak na ang Hog’s Breath sa 1-8 marka pero makakaasang lalaban ito ng sabayan upang magkaroon ng disenteng pagtatapos sa unang conference sa liga.