Cast ng Seaoil NBTC 12-U semifinals kumpleto na

Laro Ngyaon

(Xavier School, Greenhills)

1:30 p.m.  Lourdes-Manda vs Escuela de Sophia

3 p.m.  LSGH vs Ateneo

MANILA, Philippines - Nakuha na ng Escuela de Sophia ng Caloocan, Ateneo-A, Lourdes School of Mandaluyong at La Salle-Greenhills ang puwesto sa semifinals sa Seaoil NBTC 12-U National Championship nang nanalo sa kanilang huling laro noong Martes.

Nangibabaw ang Escuela de Sophia sa Xavier-B, 78-53; ang Ateneo-A ay nakalusot sa Ateneo-B, 71-68; nanaig ang Lourdes School sa Chiang Kai Shek, 79-68; at dinurog ng La Salle-Greenhills ang Don Bosco Technical Institute, 84-41.

Dahil sa pangyayari, ang apat na paaralang na­banggit ay nakakuha na rin ng puwesto sa National Championship na paglalabanan sa Philsports Arena sa Pasig City mula Mayo 16 hanggang 18.

Ang semis ay ga­gawin ngayon sa Xavier School sa Greenhills at ang mga magtatagisan ay Lourdes-Manila at Escuela de Sophia sa ala-1:30 ng hapon at LSGH at Ateneo sa alas-3.

Ang mga mananalo ang maglalaban sa championship sa Sabado sa Xavier gym.

Ang iba pang mga koponan na nakatiyak na ng puwesto sa National Finals ay ang Sacred Heart-Ateneo de Cebu, Xavier University-Ateneo de Cagayan at dalawa pang provincial teams.

Show comments