^

PSN Palaro

M’weather pa rin tinalo si Guerrero via unanimous decision

Pilipino Star Ngayon

LAS VEGAS--Ganap na dinomina ni world welterweight champion Floyd Mayweather Jr. si challen­ger Robert Guerrero para sa kanyang unanimous 12-round decision victory sa MGM Grand Garden Arena.

Napanatili ni Maywea­ther, isang eight-time, five-division world champion sa kanyang 17-year pro career, na malinis ang kan­yang ring record na pinaganda niya sa 44-0-0 (26 KOs).

Ito ang pang-21st world title appearance ni Mayweather.

“I feel bad I didn’t get the knockout tonight,” wika ng 36-anyos na si May­weather sa kabiguan niyang mapabagsak si Guerrero.

“No one has found a way to break the Mayweather code,” dagdag pa ng 147-pound champion.

Huling natalo ang 30-anyos na si Guerrero (31-2-1, 18 KOs) noong 2005.

Bilang isang promoter, tila mas magaling pa si Mayweather bilang isang matchmaker kesa bilang boksingero.

Angkop ang mabagal na si Guerrero sa bilis at liksi ni Mayweather.

Muling ipinakita ni May­weather ang kanyang magandang lateral movement at mabibigat na lead right hands para dominahin si Guerrero sa  kabuuan ng kanilang upakan.

Kontra kay Maywea­ther, kumonekta lamang si Guerrero ng 20 porsiyento ng kanyang mga suntok kumpara sa 60% ni Mayweather.

“That’s why he’s the champion,” ani Guerrero kay Mayweather. “He was barely slipping by the punches. Floyd’s a great defensive fighter. I thought I was going to catch him.”

Ito ang unang laban ni Mayweather matapos noong Mayo ng 2012 kung kailan siya umiskor ng  isang 12-round decision kontra kay Miguel Cotto.

ANGKOP

FLOYD MAYWEATHER JR.

GRAND GARDEN ARENA

GUERRERO

MAYWEA

MAYWEATHER

MIGUEL COTTO

ROBERT GUERRERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with