Sinclair Nat’l Finals idaraos sa Laguna

MANILA, Philippines - Pamamahalaan ng La­­­guna ang isang yugto ng Sinclair Paints Super League sa Mayo 9, habang nakatakda ang National Finals sa Hunyo 11-16.

Walong finalists ang maglalaban para sa national championship.

Kasalukuyang nagaganap ang mga torneo sa Batangas/Cavite, Bicol/Sorsogon, Central Luzon/Subic/Nueva Ecija/Pangasinan, Zamboanga, Natio­nal Capital Region at Aklan.

Ang pamamahala ng Laguna ay pinangungunahan ni Gov. Joerge ‘ER’ Ejercito Estregan at suportado ni Albert Abarquez, ang provincial sports and games development office head.

Ang Batangas tournament, idinaos sa Sto. Tomas Municipal gym, ay suportado naman nina Mayors Osmundo Maliga­yan (Sto. Tomas), Miachel Montenegro (Taal), Sonia Torres Aquino (Tanuan) at Luis Ferrer IV (Gen. Trias) kasama si FAITH sports director at Samahang Basketbol ng Pilipinas provincial coordinator Lito Arim.

Si Rep. Erbie Fabian ang nagtaguyod naman sa Zamboanga leg.

Show comments