DUMAGUETE , Philippines -LuÂmaÂngoy ang 12-anÂyos na si Regina Erin Castrillo sa kanyang ikaapat na PalaÂrong Pambansa record at tumibay ang laban para maging Most Valuable Player sa elementary division sa swimming competition na ginagawa sa Teves Aquatics Center sa Dumaguete City, Negros Oriental dito.
Dalawang beses na binura ni Castrillo ang record sa girls 12-under 100 meter butterfly bago nakontento sa 1:06.92 oras. Ang dating record ay 1:09.38 na hawak ni Francis Pillado at ginawa noong 2011 pero winasak na ito ng batang NCR tanker sa prelims kaÂhapon ng umaga sa 1:08.29 marka.
“Wish ko po talaga na maipanalo ko ang lahat ng seven events ko. Masaya po dahil halos hawak ko na ang MVP,†wika ni Castrillo na nasa ikatlong paglahok sa Palaro at ang dating pinakamagandang naitala ay sa Lingayen, PangasiÂnan noong 2012 nang maÂkasungkit ng limang ginÂÂtong medalya.
Bago ito, si Castrillo na naglaro na sa labas ng bansa, ay winasak ang reÂcords sa 50m butterfly (30.14), 200m Individual Medley (2:37.16) at 200m medley relay (2:13.52).
Ang record na nakalusot kay Castrillo ay sa 100m freestyle sa 1:04.77 tiyempo.
Si Catherine Bondad ay nakakuha ng kanyang ikalimang ginto nang pamunuan ang girls 13-17 800m freestyle sa 9:55.75 at ang Big City tankers ay may 24 gintong medalya na matapos ang 42 events.
Umani rin ng atensyon si Angelica de Josef ng tabunan niya ang 18 taong record sa secondary girls 800m run nang maorasan ng 2:17.2 tungo sa ginto para sa Western Visayas.
Ito ang unang taon sa secondary ni De Josef na noong nakaraang taon ay binura ang record sa elementary girls 800m run sa 2:18.8 tiyempo.