^

PSN Palaro

Ginebra, Petron sa quarters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumipa si import Vernon Macklin ng isang basket sa huling 7.9 segundo para itakas ang Barangay Ginebra kontra sa Meralco, 91-90, papasok sa quarterfinal round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikaanim na dikit na arangkada ng Gin Kings kasabay ng pagpigil sa two-game winning run ng Bolts.

Itinaas ng Ginebra ang kanilang kar­tada sa 7-5 katabla ang Petron Blaze sa ilalim ng mga kapwa quar­terfinalists na Alaska (9-3) at Rain or Shine (8-4) kasunod ang Meralco (6-6), nagdedepensang San Mig Coffee (6-6), Talk ‘N Text (6-6), Air21 (5-7), Barako Bull (4-8) at Globalport (2-10).

Sa unang laro, maski ang paglalaro ni dating Los Angeles Lakers center DJ Mbenga para sa Energy Cola ay hindi nakapigil sa Boosters.

Kumolekta si 6-foot-10 import Henry Sims ng 23 puntos, 13 rebound at 3 shotblocks para igiya ang Petron sa 88-77 paggupo sa Barako Bull.

Winakasan ng Boosters ang ka­nilang three-game losing slump patungo sa quarterfinals.

“One step at a time lang kami.  We just want to get better. But we don’t want to be at a twice-to-beat disadvantage,” wika ni head coach Olsen Racela sa kanyang mga Boosters.

 Humakot naman ang 6’10 na si Mbenga ng 14 puntos, 12 rebounds at 2 shot­blocks para sa kanyang unang laro sa Energy Cola.

 

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

ENERGY COLA

GIN KINGS

HENRY SIMS

LOS ANGELES LAKERS

MBENGA

MERALCO

N TEXT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with