Sta. Cruz, Laguna, Philippines --Isang araw matapos talunin ang isang miyembro ng national Paralympic team, iniuwi ni Arman Dino ang kanyang ikalawang gintong medalya matapos paghaÂrian ang men’s 100-meter run sa 2nd Philippine Sports Commission-Philippine Sports Association for the Differently-Abled Para National Games.
Itinala ng 28-anyos na pambato ng Mandaue City at biktima ng ipinagbaÂbawal na paputok na Super Lolo ang oras na 11.81 seÂgundo para maging kauna-unahang atleta na nakahakot ng dalawang ginto sa torneo na ginaganap sa Laguna Sports Complex.
Pumangalawa kay Dino si Lemuel Garcia (14.76) at ikatlo si Ricardo Domingo (15.10).
Una nang iniuwi ni Dino ang kanyang unang gintong medalya matapos taÂlunin sa 400-m run ang beterano ng 2012 London ParaLympics at Asian ParaGames na si Isidro Vildosola.
Ikinatuwa naman ni NaÂÂtional Paralympic athleÂtics coach Joel Deriada ang itinalang panalo ni Dino na agad na naging kandiÂdato sa national pool bunga ng kanyang itinalang mabibilis na oras sa sprint event. Lalahok pa ngayong umaga si Dino sa 200m.
“As a procedure, we will compare his time sa record sa ASEAN ParaGames, ang katapat ng SEA GaÂmes. His time (11.81) is actually good for bronze so we will invite him sa national pool muna. Actually, we are looÂking at 2 to 3 more athletes na maisasama sa national team†ani Deriada.