^

PSN Palaro

Bago labanan si Pacquiao Marquez puntirya si Bradley

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maliban sa posibleng pakikipagharap kay Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa pang-limang pagkaka­taon, tinitingnan din ni Juan Manuel Marquez ang pag­hahamon niya kay world welterweight titlist Timothy Bradley, Jr.

Ito ang inihayag ni Mar­quez (55-6-1, 40 KOs) matapos talunin ni Bradley (30-0-0, 12 KOs) si Russian challenger Ruslan Provodnikov (22-2-0, 15 KOs), naging sparmate ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs), noong Linggo sa Home Depot Center sa Carson, California.

“Of course, going after the WBO title would be a possibility,” wika ng 39-an­yos na si Marquez, isang world four-division king, sa koronang suot ni Bradley. “Why not go after a fifth title.”

Ang nasabing WBO belt ni Bradley ay kanyang inagaw sa 34-anyos na si Pacquiao mula sa kontrobersyal na split decision noong Hunyo 9, 2012.

Hanggang ngayon ay wala pang desisyon si Marquez kung lalabanan si Pacquiao sa pang-limang pagkakataon ngayong taon.

“If we continue in boxing, of course I would be thinking about winning a fifth championship,” ani Marquez sa kagustuhang hamunin si Bradley. “I have not decided my future. For now I’m focu­sed on my family.”

Ang planong pang-li­mang paghaharap nina Pacquiao at Marquez ay ina­asahang pag-uusapan sa pagharap-harap nila sa Abril 6 sa Macau.

Nauna nang sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na magkikita sina Pacquiao at Marquez sa Ma­cau para panoorin ang pro debut ni Chinese two-time Olympic Games gold medal winner Zou Shiming kontra kay Mexican Eleazar Valenzuela (2-1-2, 1 KO) sa isang four-round flyweight bout sa Venetian’s Cotai Arena.

BOB ARUM

BRADLEY

COTAI ARENA

HOME DEPOT CENTER

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with