MANILA, Philippines - Pinapurihan ni CagaÂyan Congressman Jack Enrile ang panalo ng Team Philippines sa 2012 Handgun Championships na ginanap sa New Zealand sa pagtataguyod ng Australasian International Practical Shooting Confederation (IPSC).
“Iyon ay isang maningÂning na tagumpay na muÂling nagpakita ng husay ng mga Filipino shooters at ng kakayahan nilang manaig laban sa pinakamagaling na mga kalaban sa buong mundo,†wika ni Enrile. “Isa itong malaking tagumpay na dapat papurihan ng liderato ng sports sa ating bansa.â€
Humakot ang mga Filipino shooters ng 30 gold, 22 silver 11 bronze medals sa torneong sinalihan ng 750 lahok mula sa 25 na bansa.
Bilang founder ng Philippine Practical Shooting Association (PPSA) at regional director ng IPSC, ikinatuwa ni Enrile ang pagkopo ng mga Pinoy ng mga ginto sa apat sa limang division na sinalihan nila, bukod sa pagsungkit sa pilak sa natira pang division.
Pinuri din ni Enrile si PPSA President at Gobernador Suharto Teng MaÂngudadatu ng Sultan Kudarat na siyang nanguna sa Team Philippines.