Perpetual Perps squad kampeon sa NCAA cheerleading

MANILA, Philippines - Ipinoste ng Perpetual Help ang isang ‘four-peat’ ma­tapos pagharian ang  88th NCAA cheerleading com­petition kamakalawa sa MOA Arena sa Pasay Ci­ty.

Tinalo ng Las Piñas-based school ang second at third placers na Arella­no University at Emilio Aguinaldo College, ayon sa pag­kakasunod.

“We really made sure that we came up with the toughest and best performance that’s why we really worked hard to make it near perfect,” wika ni Perpetual coach Ruf Rosario.

Ito ang pang-pitong titu­lo ng Perps squad sa huling siyam na edisyon ng cheerleading competition.

Nakamit ng Perpetual ang premyong P100,000.

Nabigo lamang ang Al­­tas na magkampeon sa unang edisyon noong 2004 at 2008.

Ang Mapua Cheerping Cardinals ang nagwagi no­ong 2004 at dinomina naman ng Jose Rizal Pep squad ang kompetisyon noong 2008.

 

Show comments