MANILA, Philippines - Pangungunahan ni AIBA president Ching-Kuo Wu ang pagbubukas ngayong hapon ng 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships sa Subic Gym sa Subic Bay Freeport.
Ang opening ceremony ay sa ganap na alas-5 ng hapon at mala-piyesta ang pagtatanghal na masisilayan upang bigyan ng mainit na pagsalubong ang halos nasa 300-katao na binubuo ng boksingero at opisyales mula sa iba’t-ibang bansa.
“Handang-handa na ang lahat para sa ASBC Championships,†wika ni ABAP executive director Ed Picson na walang tigil ang pagsalubong sa mga delegasyong duÂmating kahapon.
Inaasahang nasa 23 bansa ang sasali at ang mga naÂririto na ay kinabibilanganan ng Kazakhstan, Uzbekistan, Turkmenistan, Sri Lanka, Nepal at Indonesia.
Inorganisa ng PLDT-ABAP katuwang ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), ang laban ng Pilipinas ay baÂbalikatin ng limang boksingerong sina Jade Bornea (49 kgs.), Ian Clark Bautista (52 kgs.), Jonas Bacho (56 kgs.), James Palicte (60 kgs) at Felix Eumir Marcial (64 kgs.).
Ang mga bigatin sa torneo ay ang China, KazakhsÂtan at India na magpapadala ng kumpletong team na binubuo ng 10 boksingero.
“Malakas din ang Arab countries pero expectations sa ating mga boksingero na bigay-todo sila sa bawat laÂban. Ang kailangan lamang natin ay mabigyan sila ng suÂporta ng mga manonood lalo pa’t libre ito sa publiko,†dagdag ni Picson.