Bryant humataw sa Lakers
NEW ORLEANS -- Humugot si Kobe Bryant ng 13 sa kanyang 42 points sa pinakawalang 20-0 atake ng Los Angeles Lakers sa huling 6:22 minuto ng fourth quarter para makabangon buhat sa isang 25-point deficit at talunin ang New Orleans Hornets, 108-102, noong Miyerkules ng gabi.
Ipinakita ni Bryant ang kanyang iba’t ibang klase ng tirada para ipanalo ang Lakers laban sa Hornets.
Nariyan ang kanyang mga off-balance jumÂpers, quick-strike transition 3-pointers at mga driving layÂups na may kasamang foul.
Tangan ng Hornets ang isang 21-point lead sa huling minuto ng third quarter nang isalpak ni Greivis Vasquez ang isang 3-pointer para sa kanilang 93-72 bentahe.
Naputol naman ng LaÂkers (31-31) sa 12 puntos ang nasabing abante bago muling nakalayo ang Hornets sa 102-88 buhat sa dunk ni Robin Lopez sa 6:47 minuto ng laban.
Nadepensahan ang Hornets, binalikat ni Bryant, nagtala rin ng 12 assists, ang Lakers katuwang si Jodie Meeks, umiskor ng 19 points, upang itabla ang laro sa 102-102 sa huling 1:34 minuto ng sagupaan.
“This game brought us closer together as a team,’’ ani Dwight Howard, humakot ng 20 points, 15 rebounds at 4 blocks na nagtampok sa kanyang supalpal kay Lopez sa nalalabing 30 segundo.
Umiskor si Bryant, nagkaroon ng right elbow injury sa kanilang kabiguan sa Oklahoma City noong Martes, ng 25 points sa second half kontra sa Hornets.
Ang kanyang 10-foot fade away ang nagbigay sa Lakers ng 104-102 kaÂlaÂmangan sa huling 36 seÂgundo tungo sa panalo.
- Latest