Donaire-Rigondeaux fight sa New York
MANILA, Philippines - Itinakda na sa Radio City Music Hall sa New York City ang unification fight nina unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. at Cuban titlist Guillermo Rigondeaux sa Abril 13.
Itataya ni Donaire (31-1-0, 20 KOs) ang kanyang mga hawak na World BoÂxing Organization at International Boxing Federation titles, habang isusugal naman ni Rigondeaux (11-0, 8 KOs) ang kanyang World Boxing Association belt.
Bukod sa Radio City Music Hall, pinagpilian din ng Top Rank para sa Donaire-Rigondeaux fight ay ang Home Depot Center sa Carson, California at ilang venue sa Texas kagaya ng Cowboys Stadium at Alamadome.
Sa Home Depot inagaw ni Donaire ng IBF super bantamweight crown ni South African Jeffrey Mathebula (26-4-2, 14 KOs) via unanimous decision noong Hulyo 17 at pinahinto sa ninth-round si Japanese superstar Toshiaki Nishioka (39-5-3, 24 KOs) noong Oktubre 13.
Lumaban din si Donaire sa aksyon sa The Theater sa Madison Square Garden sa New York kung saan niya binugbog si Omar Narvaez (38-1-2, 20 KOs) sa kanilang bantamweight title fight noong Oktubre ng 2011.
- Latest