3rd gov. Jun Ebdane 4x4 challenge: 30 off-road drivers nagpasiklaban
MANILA, Philippines - May 30 off-road drivers ang kasali sa 3rd Gov. Jun Ebdane 4x4 Challenge na ginawa kahapon at magtaÂtapos ngayon sa Iba, Zambales.
Si Engr. Jun Rundstedt Ebdane na kumatawan sa kanyang ama, ang nagpasimula sa karera at masusukat ang mga kasali sa dalawang mahihirap na race courses na gagamitin sa paligsahan.
Ang kompetisyon ay ginagamit din bilang unang leg ng National Association of Filipino Offroaders series na magdedetermina kung sino ang kikilalanin bilang 2013 4x4 Driver of the Year.
“This signifies that our province is now being recogÂnized as ideal venues for sports tourism events, as the governor has been aiming for under his administration,†wika ni Edbane, ang panganay na anak ng gobernador sa opening ceremonies.
Galing sa 11 probinsya at mga offroader organizations nagmula ang mga kalahok na masusukat ang husay sa pagdadala ng malalaking sasakyan sa mapanghamong course.
May 11 pang legs ang kukumpelto sa series at ang iba ay gagawin sa DaÂÂvao, Cagayan, Dumaguete, Camarines Sur at PamÂpanga.
- Latest