^

PSN Palaro

Nuggets hiniya ang Bulls sa balwarte

Pilipino Star Ngayon

DENVER--Ipinagdiwang ni Kenneth Faried ang pagkakatanggap niya ng imbitasyon para sa annual slam dunk contest sa pamamagitan ng ilang serye ng slam dunks.

Tumapos si Faried na may 21 points at 12 rebounds sa loob ng 26 minuto para pagbidahan ang Denver Nuggets sa 128-96 paggupo sa Chicago Bulls.

“I mean, I’m ecstatic about it, happy to go out there and showcase what I can do and excite the fans,’’ sabi ni Faried na kumolekta ng 17 points at 8 boards bago pumasok ang Nuggets sa kanilang locker room bitbit ang 63-58 halftime lead.

Ito ang pang-walong su­nod na panalo ng Nuggets at ika-15 sa nakaraan nilang 18 laro sapul noong Enero 1.

Nagdagdag naman si Wilson Chandler ng 24 points sa loob ng 19 minuto para sa Denver.

Nagsalpak din si JaVale McGee ng kanyang mga slam-and-jam show sa kanyang 10 points para sa Nuggets na hindi pa natatalo simula noong Enero 18 at tinambakan ang Bulls ng 35 points.

Umiskor naman si Carlos Boozer ng 18 points sa panig ng Chicago na hindi nakuha ang serbisyo nina starting guards Derrick Rose (left knee) at Kirk Hinrich(right elbow).

Binanderahan ni reserve Daequan Cook ang Bulls mula sa kanyang 19 points.

CARLOS BOOZER

CHICAGO BULLS

DAEQUAN COOK

DENVER NUGGETS

DERRICK ROSE

ENERO

FARIED

KENNETH FARIED

KIRK HINRICH

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with