^

PSN Palaro

PBA D-League Aspirants’ Cup Twice-to-beat kukunin ng Heavy Bombers vs Gems

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro ngayon

(Ynares Sports Arena)

2 p.m. JRU vs Cebuana Lhuillier

4 p.m. Erase Xfoliant vs Blackwater Sports

MANILA, Philippines - Hawakan ang mahalagang twice-to-beat incentive ang dagdag inspirasyon ng mainit na Jose Rizal University sa pagharap sa Cebuana Lhuillier sa pagtatapos ng PBA D-League Aspirants’ Cup elimination ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa ganap na alas-2 ng hapon matutunghayan ang tagisang ito na magdedetermina rin kung patuloy pang lalaban ang Gems.

Okupado na ng Heavy Bombers na may apat na su­nod na panalo, ang puwesto sa quarterfinals pero kaya pa nilang kunin ang mahalagang insentibo kung manalo sa Gems dahil sa mangyayaring 3-way tie sa pagitan ng Cagayan Valley at Big Chill sa 6-4, ang JRU at Rising Suns ang may mas mataas na quotient.

Mabibiyayaan din ng Fruitas na nasa ikalimang pu­westo dahil makakasama sila sa magiging palaban pa sa titulo.

Pero kung manalo ang tropa ni coach Vergel Meneses, ang Rising Suns at Super Chargers ang makakakuha ng insentibo habang aabante sa quarters ang Gems.

No-bearing game naman ang mangyayari sa  ikala­wang laro dakong alas-4 ng hapon sa pagitan ng Blackwater Sports at Erase Xfoliant dahil nasa semifinals na ang Elite habang talsik na ang Erasers.

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

ERASE XFOLIANT

HEAVY BOMBERS

RISING SUNS

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with