Lim sa Stage 8; Valenzuela pa rin sa overall
ALAMINOS, PangasiÂnan, Philippines--Inangkin nina Rustom Lim at Mark Julius Bonzo ng PLDT-Spyder ang unang dalawang puwesto sa pagtatapos ng Stage 8 na 183.4-km mula Olongapo na nagtapos dito kahapon.
Ang 19-anyos na si Lim ay humataw pagpasok sa huling 40-kilometro ng kÂarera para iwanan ang kakamping si Bonzo tungo sa kanyang unang panalo sa Ronda Pilipinas.
“Hindi ko expected na mananalo pero noong kumaÂwala ako at walang masÂyadong sumabay, naÂramdaman kong kaya ko,†wika ni Lim na naorasan ng apat na oras, 17 minuto at 23 segundo.
Angat ang dating bronÂze medalist ng Asian Youth Championships dalawang taon na ang nakakalipas, ng 24 segundo sa 23-anÂyos na si Bonzo na nakasabay tumawid sa meta si Merculio Ramos ng Team Tarlac.
“Marami akong kamag-anak na nakita kaya masaya ako at nakuha ko ang second place,†pahayag ni Bonzo na anak ni Romeo na nanalo ng Marlboro Tour noong 1983.
Nasama naman ang overall leader na si Irish Valenzuela ng LPGMA-American Vinyl sa 46-katao main peloton na tumawid sa meta sa 4:18:32 oras.
Sa kabuuan, si Valenzuela ay may 29:57:39 kabuuang oras.
Pero nalalagay ang haÂngaring manatili sa tuktok sa peligro dahil nakabawas na ang nasa ikalawang puÂwesto ang 20-anyos na si Ronald Oranza ng PLDT-Spyder ng 31 segundo sa kanyang 29:58:47 oras.
“Kaya ko pang makabaÂwas. Sa tingin ko ay malaÂkas akong sprinter kaysa sa kanya,†wika ni Oranza na siyang nanguna sa stage seven na Tarlar-Subic kahapon.
Hindi naman nagalaw ang mga siklista na nakahimpil hangang ikasiyam na puwesto matapos ang karera kahapon.
Si Cris Joven ng LPGMA-AV ang nasa ikatlo sa 30:01:38; si Ronald GoÂrantes ng Roadbike Phl ang nasa ikaapat sa 30:01:51; Santy Barnachea ng Navy-Standared ang nasa ikalima sa 30:02:54; El Joshua Carino ng PLDT-Spyder nasa ikaanim sa 30:06:20; si Joel Calderon ng VMobile-Smart sa ikapito sa 30:08:13; Marvin Tapic ng Y101 FM-Cebu sa 30:11:55 at nagdedepensang kampeon Mark Galedo ng Roadbike Phl sa ikasiyam, sa 30:12:26.
- Latest