^

PSN Palaro

Barea humataw sa Minnesota

Pilipino Star Ngayon

DENVER -- Maski ang isang sprained finger sa kanilang All-Star forward ay hindi makakaapekto sa pagsikwat ng Minnesota Timberwolves sa kanilang panalo.

 Humugot si J.J. Barea ng 12 sa kanyang 17 points sa fourth quarter, habang naupo naman si Kevin Love sa bench dahil sa kanyang injured finger, para igiya ang Minnesota sa 101-97 tagumpay kontra sa Denver Nuggets noong Huwebes ng gabi.

 Ito ang ikalawang sunod na gabi na naglaro ang Timberwolves.

Naging malamya na­man ang ipinakita ng Nug­gets dalawang araw matapos pigilin ang 17-game winning streak ng Los Angeles Clippers.

May 10-2 win-loss record ngayon ang Nuggets sa kanilang tahanan sa Denver ngayong season.

Isang three-point shot ang isinalpak ni Luke Ridnour para ibigay sa Timberwolves ang kalamangan sa huling 2:43 sa fourth quarter kasunod ang tres ni Barea na siyang sumelyo sa kanilang panalo.

Nalasap naman ni Love ang sprained finger sa kanyang kanang kamay sa third quarter bago dinala sa kanilang locker room.

Tumapos si Love na may 12 points at 17 rebounds sa loob ng 24 mi­nuto.

Nagbalik siya sa bench para suportahan ang kanyang mga kakampi.

 

BAREA

DENVER NUGGETS

HUMUGOT

HUWEBES

KEVIN LOVE

LOS ANGELES CLIPPERS

LUKE RIDNOUR

MINNESOTA TIMBERWOLVES

TIMBERWOLVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with