MANILA, Philippines - Sumabak ang mga biking enthusiasts sa Bike for the Environment 2 na nagnanais na magbigay ng kaalaman hinggil sa pagsagip sa Marikina Watershed.
Inorganisa ng Smart Communications, Inc. (Smart) sa ilalim ng Philippine Disaster Recovery Foundation (PDRF), ang Bike for the Environment ay ang ikalawang bahagi sa isang serye ng mga biking events na naghahangad na mailigtas at mapangalagaan ang Marikina Watershed.
Idinaos ang bike race noong Disyembre 16 na sinimulan at tinapos sa Pintong Bukawe sa San Mateo, Rizal.
Sinuong ng mga siklista ang isang 20-kilometer loop sa Marikina Watershed. Itinampok din sa professionally designed bike course ang mga nooks at crannies ng Marikina Watershed.
“Last year it was a fun ride. This year, we turned it up a notch by making it a mountain bike race,” sabi ni Darwin Flores, ang Smart senior manager for community partnerships.