Isang PBA assistant coach ang malamang na maging head coach ng isang college team na kamakailan lang ay hindi na nag-extend ng kontrata ng kanilang coach.
Mukhang magkakasundo na sila kaya malapit na rin siguro nilang ihayag na siya na ang hahawak ng team simula sa 2013.
***
Ang dating PBA player na si Willie Generalao ay tatakbong konsehal sa kanilang lugar.
Si Willie ay isa sa pinakamagaling na point guards noong panahong naglalaro pa siya sa PBA.
***
Isang sikat na UAAP head coach ang malamang na mahirang na bagong head coach ng isang PBA team pagpasok ng susunod na conference.
Asahan na natin ang announcement pagkatapos ng ongoing PBA conference.
***
Isang sikat na PBA player ang nag-attend kamakailan lang ng isang event na may mga showbiz writers din in attendance.
Lumapit ang isang tabloid editor sa kanya dahil crush na crush niya si player noon pa.
Pero habang ini-interview niya si player, may napansin siyang ikina-turn off niya.
As in super turn off siya.
“Ang dami niyang tutuli. Ang dumi ng tenga niya....eewww,” sabi ni editor.
Magmula nun, inihayag ni editor na hindi na niya idol si player.
Hahahahahahahahaha....
***
Isa namang showbiz personality ang head over heels sa isang sikat pa ring pro player.
Ang dream niya?
Makalapit lang, makamayan at makita si player ng personal.
Nagkaroon siya ng pagkakataon na matupad ang wish niya nu’ng minsan siyang nanood sa Smart Araneta Coliseum.
Hinintay niyang lumabas sa dug out si player.
Naloka siya dahil nu’ng makita niya si player na naka-sandals pa, tumambad sa kanya ang paa ni player na halos lahat ng kuko ay patay!
***
Nakakaloka ang isang NFL player sa Kansas City na minarder ang kanyang girlfriend at pagkatapos ay binaril ang kanyang sarili sa harap ng kanyang head coach at team manager.
Grabe!