Matapos matalo sa Thailand War Elephants, 1-2: Azkals sasagupa sa Vietnam

Laro Bukas

(Rajamangala Stadium)

5:30 p.m. Vietnam vs Philippines

8:20 p.m. Myanmar vs Thailand

 

BANGKOK – Lalo pang bumigat ang kinaka­ha­rap na kompetisyon ng Philippine Azkals sa Group A ng AFF Suzuki Cup.

Nakalasap ng 1-2 ka­biguan sa mga kamay ng host Thailand noong Sa­bado ng gabi, hahara­pin naman ng Azkals ang Vietnam bukas ng alas-5:30 ng hapon dito sa Ra­jamangala Stadium.

Ginitla ng Azkals ang Viet­nam sa semifinal round ng Suzuki Cp noong 2010.

Lalabanan ng Azkals ang mga Vietnamese na wala si German head coach Michael Weiss na na­patawan ng one-game suspension dahil sa pamamato ng bola kay Anucha Kitpongsri.

Kasama ng Azkals sa Group A na tinatawag na ‘Group of Death’ ang Thailand (3 points), Myanmar (1 point) at Vietnam (1 point).

“We didn’t play our best against Thailand and we needed that game to get into the rhythm,” wika ni Weiss.

“We’re always bringing in players from Europe but that does automatically mean we’ll beat a strong team like Thailand at their homefield. I think we’ll get into good rhythm in the match against Vietnam and I’m pretty sure we’ll have a very good chance to advance to the second round,” dagdag pa nito.

 

 

Show comments