Lualhati kinuha ang liderato sa PBC-POC-PSC Open bowling championships

MANILA, Philippines - Inagaw ng bagitong si Jho­ana Lualhati ng TBAM-Prima ang pangunguna sa 41st PBC-POC-PSC Open bow­ling championships nang magtala ng 1142 sa la­dies’ Associate Masters eli­minations sa SM lanes sa Mall of Asia sa Pasay Ci­ty.

Nagpagulong si Lual­hati, tumapos na pang li­ma sa katatapos na Youth Mas­ters finals, ng isang three-game series na 585 at 557 sa singles para iwanan ang kakamping si Bea Her­nandez at si Pure Anselmo ng TBAM na naglista ng 1126 at 1125, ayon sa pag­kakasunod.

Ang iba pang bowlers na pumasok sa Top 10 ay sina Carmen Talosig (1092) ng TBAM, Nida Lag­risola (1090) ng BALP, Jingle dela Ro­sa (1085) ng TBAM-Pri­ma, Jane Diaz (1079) ng PTBA, Alice Cabazor (1050) ng MBA-CRAM, Fa­rah Onasa (1050) ng MC­TBA at Joji Cabacu­ngan (1048) ng PTBA.

Namuno si Bong Coo ng MBA sa ‘reserve list’ sa kanyang 1046 ka­sunod si Lina Labaguis (1041).

Nagtala si Paulo Valdez ng TBAM ng1332 para pumangatlo sa Open.

 

Show comments