Star Group nagsosolo na

MANILA, Philippines - Tinalo ng nagdedepensang Star Group of Publica­tions ang Smart Communications, 94-73, para kunin ang liderato ng MBL  Corporate Cup 2 basketball tournament sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.

Nagtuwang sina Dennis Rodriguez,Jhong Bondoc,  Ver  Roque at Niño Marquez  para sa ikatlong sunod na arangkada ng Star Group sa annual tournament na inorganisa ng MBL katulong ang  Ironcon  Builders,  Zucchero Cafe  at Dickies  Underwear.

Tumapos si Rodriguez na may team-high  18 points na lahat ay mula sa  three-point area para sa Alfred   Bar­tolome-mentored na Star Group.

Nauna nang tinalo ng Star Group ang Victoria  Court, 107-67, at  PRC Cou­riers, 75-72.

Show comments