Alcano hari sa Championship Cloth Pro Classic 9-Ball

MANILA, Philippines - Idagdag pa si Ronato Alcano sa mga Filipino cue artist na nanalo sa mga tor­neo sa US.

Ang tubong Laguna na si Alcano ay nanaig kay Robb Saez, 11-7, para pagharian ang The Championship Cloth 5th Annual Pro Classic 9-Ball na pinagla­banan sa New Iberia, Louisiana.

Itinakda ang torneo mula Oktubre 16 hanggang 20 sa 9-ball at si Alcano ay bumangon mula sa unang pagkatalo sa pagbubukas ng kampanya para manalo galing sa loser’s bracket.

Ang mga naunang tinalo ni Alcano ay ang mga kababayang sina Francis­co Bustamante at Israel Rota, Shane, Van Boening, Mike Davis, Wang Can, Ralph Eckert at Charlie Williams.

Ang labanan nina Alcano at Williams ay para madetermina ang makakalaban ni Saez na kinuha ang hot seat sa pamama­gitan ng 9-2 panalo kay Williams.

Bitbit ang kumpiyansa, nagkatabla sina Alcano at Saez matapos ang 10 racks bago nag-init ang Pinoy cue artist nang ipanalo ang lima sa sumunod na pitong racks na pinaglaba­nan.

Halagang $3,300.00 ang premyong naiuwi ni Alcano habang si Saez ay nakontento sa $2,200.00.

Ito rin ang ikalawang di­kit na panalo ni Alcano sa buwan ng Oktubre matapos dominahin ang Chuck Markulis Memorial 9-Ball Division noong Oktubre 12 hanggang 14.

May apat na torneo pa lamang ang sinasalihan ni Alcano at kumabig na siya ng $7,475.00 gantimpala.

Bago si Alcano ay naunang nanalo sina Efren “Bata” Reyes at Warren Kiam­co sa 5th Annual Chuck Markulis One Poc­ket at Johnny Archer Classic.

Show comments