^

PSN Palaro

Vargas, Buhain iniluklok sa Asian Aquatics

Philstar.com
Vargas, Buhain iniluklok sa Asian Aquatics
Sina (mula kaliwa) Patricia Mae Santor ng UST, Nicola Queen Diamante ng Augustinian Abbey Las Piñas at PAI Executive Directior Chito Rivera.

MANILA, Philippines – Naihalal sina Philippine Aquatics Inc. (PAI) president Miko Vargas at secretary general at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain sa mahahalagang posisyon sa isinagawang Asian Aquatics Convention sa Bangkok, Thailand.

Iniluklok si Vargas sa five-man Ethics Committee, habang isinama si Buhain, ang Philippine swimming icon, sa 15-man Board of Directors.

“During the Asian Aquatics Convention, muling pinuri ang naging hosting natin sa Asian age group championship last February sa Clark and the election of PAI president (Miko) Vargas and Cong. Buhain sa central board only shows the esteem recognition ng international community sa atin,” ani PAI Executive Director Chito Rivera sa Tabloids Organization in Philippine Sports Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ kahapon sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex (RSMC).

Nagpadala rin ng mensahe ang iba pang international swimming body tulad ng Singapore at New Zealand para sa isang kolaborasyon sa training ng mga aquatics athletes, gayundin ang mapataas ang kaalaman ng mga local coaches.

Nakalinya rin sa PAI ang paglahok sa tatlong international tournaments ngayong taon bukod sa Olympic qualifying para kina elite swimmers Chloe Isleta, Jasmine Alkhaldi at Kyla Sanchez.

Samantala, itinakda ng PAI sa Agosto ang national tryouts para sa koponan na isasabak sa SEA age group championship sa Disyembre sa Bangkok kung saan hinikayat ang mga foreign-based swimmers na maglaan ng panahon na magbalik sa bansa para makiisa sa tryouts.

“Open po at para sa lahat ang tryouts kaya hindi na puwedeng mag-submit ka lang ng time record mo ok na. Kailangang maipakita mo ang kahusayan mo kaya dapat nandito rin sila,” wika ni Rivera sa programang itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat. 

Kasama ni Rivera sa TOPS sina young swimmers Nicola Queen Diamante ng RSS Dolphins Club at Patricia Mae Santor ng Ilustre East Swimming Club.

Kabilang sila sa mga lalangoy sa Palarong Pambansa sa Hulyo para sa National Capital Region.

“First time ko po sa Palaro kaya po masaya ako at excited. Pagbubutihin ko pa po ang training para maka-medalya ako,” wika ng Grade 8 student ng Augustinian Abbey sa Las Piñas na si Diamante.

Target naman ni Santor, miyembro ng PH team sa Asian age group, na malagpasan ang nakuhang isang gold, isang silver at dalawang bronze medals sa nakaraang Palarong Pambansa sa Marikina City.

“Sakripisyo po talaga sa training at sa pag-aaral. Hopefully, po mas mapalakas ko iyong mga personal best ko,” sabi ng University of Santo Tomas standout.

vuukle comment

SWIMMING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with