^

PSN Opinyon

Dramang due process ni Sara, hindi bumenta

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

Noong nakaraang linggo, nagulantang ang defense team ni Vice President Sara Duterte nang ilaglag ng House pro­secution team ang tatlo sa apat na articles of impeachment laban sa bise presidente. Ang mga ito ay may kinalaman sa confidential funds, grave threats, at bribery.

Ayon sa prosecution, humantong sila sa desisyong ito upang pabilisin ang proseso ng paglilitis, na sa kanilang pag­tingin ay dini-delay ng mga abogado ni Sara upang iwasan ang tawag ng pananagutan. Tinanggap ito ng impeachment court presiding officer na si Senator Chiz Escudero. Inalis na rin ni Chiz ang sub judice rule sa nasabing mga kaso. Ibig sabihin, maaari nang magsalita sa publiko ang mga sangkot sa nasabing mga kaso.

Dahil dito, mula sa apat, isa na lamang ang natitirang article of impeachment laban kay Sara: ang kaso ng unexplained wealth.

Pero sa halip na matuwa ang defense team dahil nabawasan ang mga kasong kinakaharap ng kanilang kliyente, nagalit pa ang mga ito. Kesyo nasayang daw ang oras at resources ng gobyerno. Nawalan daw sila ng pagkakataong ipagtanggol si Sara. Tinanggalan daw ng due process si Sara.

Mabilis na nasoplak ang drama ng defense team. Sinabi mismo ni Chiz na may naunang proposal para sa dalawang kampo na maghalinhinan ng presentasyon sa bawat artikulo, pero tinanggihan ito ng defense team. Walang ibang puwedeng sisihin ang mga abogado ni Sara kundi ang kanilang sariling kapalpakan.

Sinuportahan naman ng mga naghain ng impeachment com­plaints ang desisyon ng House prosecution team. Ayon sa kanila, naaayon ito sa prinsipyo ng pananagutan. Binigyang-diin din nilang hindi ito pagtalikod sa hustisya, bagkus ay estratehikong pagpapabilis sa pag-usad ng gulong ng katarungan.

Dagdag nila, nakasampa na sa Ombudsman ang kaso ni Sara kaugnay ng confidential funds, habang dinidinig na sa Quezon City Regional Trial Court ang kaso ng grave threats.

Tanong pa nila, bakit nagagalit ang defense team gayong nabawasan ang mga kasong kinakaharap ni Sara?

Obvious ang sagot. Dahil sa paglaglag ng tatlong artikulo, nasira ang plano ng mga abogado ni Sara na i-delay ang impeachment proceedings at paabutin pa ito sa susunod na taon, hanggang sa makalimutan na ito ng taumbayan. Style bulok!

Tunay nga, delay is the last desperate resort of the guilty.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with