^

PSN Opinyon

Okey lang mag-No/Tumanggi

Enjoy Lang! - Fr. Glenn Paul M. Gomez, SVD - Pilipino Star Ngayon

Okey lang mag-No. Okey lang tumanggi. Hindi ka masamang tao.

Maraming Pilipino hindi marunong mag-No.

“Pare, pautang.”

“Sige.”

“Ate, alagaan mo muna anak ko.”

“Sige.”

“Anak, pahiram ng sahod mo.”

“Sige...kahit wala nang natira sa ‘yo!”

Kaya anong nangyayari? Ikaw ang ubos. Ikaw ang pagod. Ikaw ang may utang. Pero ikaw pa ang guilty kapag tumanggi ka!

Kapatid, kahit si Hesus marunong mag-No!

Sa Lucas 4:42-43, pinipigilan Siya ng mga tao na umalis, pero sabi Niya, “Kailangan ko ring ipangaral ang Mabuting Balita sa ibang bayan.” Nag-No Siya.

Sa Mateo 5:37, sabi ni Hesus, “Sabihin mo lang na Oo kung Oo, at Hindi kung Hindi.” Ang linaw! Hindi Niya sinabing “Sabihin mong Oo palagi kahit gusto mo nang mag-Hindi.”

Ang pagtanggi ay kabanalan din, kung ito ay pagtatanggol sa iyong dignidad at sa pamilya mo.

Ayon sa Psychology, ang hindi marunong mag-No ay may tinatawag na People Pleaser Syndrome. Sabi ni Dr. Harriet Braiker, author ng The Disease to Please, ang taong laging Oo nang Oo kahit pagod na ay nagkakaroon ng anxiety, depression, at broken relationships. Kasi puro sama ng loob na lang ang naiipon.

Sabi naman ng Assertiveness Theory, ang marunong mag-No nang may paggalang ay mas nirerespeto ng tao. Hindi ka masamang tao kapag tumanggi ka - nagiging malinaw ka lang sa boundary mo.

Okey lang tumanggi sa utang kung wala ka na ring pera.

Okey lang tumanggi sa inuman kung pagod ka na.

Okey lang tumanggi sa tsismis kung ayaw mo nang makisali.

Hindi mo kailangang mag-explain nang mahaba. “Pasensya na, hindi ko kaya ngayon” - sapat na ‘yan.

Tandaan: Kapag lagi kang Oo nang Oo sa iba, nag-No ka sa sarili mo at sa pamilya mo.

Okey lang mag-No. Hindi ka madamot - marunong ka lang magmahal nang may hangganan. At ang pagmamahal na may hangganan ay mas totoo.

HESUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with