^

PSN Opinyon

Huling baraha

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Anag katatapos na halalan ang huling baraha natin sa mithi­ing magkaroon tayo ng matinong gobyerno.

Kung ikaw’y galit pa rin porke may mga kandidato kang inaayawan na nakapasok, o kaya’y nagmumukmok dahil yung mga gusto mo ay hindi nakalusot, huwag nang mag-inarte. Lalong walang kahihinatnan ang ating pangarap para sa ma­buting pamamahala.

Ako, masaya na dahil tatlo sa mga senatorial choice ko ang pumasok at topnotcher pa. Ngayong tapos na ang halalan, may maaasahan kaya tayong positibong pagbabago para marating na natin ang political peace? Depende sa susunod na kabanata.

Sa tingin ko, masalimuot at magulo pa rin at ang digmaan ng dalawang political faction ay magpapatuloy. Kailan?

Sa pag-usad ng impeachment trial kay Vice President Sara Duterte. Dapat sana, ngayong may mga bagong mambabatas at local na opisyal nang nahalal ay puwede nang umasa at umasam ng mabuting pagbabago.

Ngunit kung may impeachment trial, ang natural na kon­sekuwensiya niyan ay mga bangayan at palitan ng mga masa­sakit na salita sa kampo ng ini-impeach na opisyal at kampo ng administrasyon. Suma-total, mawawala muli sa focus ang maayos na pamamahala.

Sana ay huwag namang mangyari ito para naman makatikim tayo ng kaayusan sa kalagayang pampulitika ng bansa. Ito’y mahalagang bagay na dapat nating ipanalangin. Samantala, itigil na muna ang panlalait sa mga talunan na para bang gina­gadgad natin ng asin ang kanilang sugat. Move on na tayo!

BARAHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with