Sadistang colonel inireklamo ng lover niya!
MUKHANG bitin pa sa kaligayahan itong isang opisyal sa matagal niyang karelasyon kung kaya’t hindi lamang sa sexual assault kundi sa pambubugbog nito. Ito kasing si Sir na dating nakatalaga sa Police Regional Office-4A na di muna babanggitin ang pangalan ay inireklamo ng kanyang live-in partner sa tanggapan ng National Police Commission (Napolcom).
Kilala naman natin itong si Napolcom Commissioner Atty. Rafael Vicente R. Calinisan sa pagpataw ng kaparusahan sa mga pulis na nagkakasala sa kanilang serbisyo. Sa totoo lang may ilang pulis pa nga ang umaalma sa pa-presscon ni Calinisan dahil inilalantad sila sa publiko kahit na suspetsado palang sila subalit, kung ating babasihan itong kabulastugan ng ilang mga kapulisan abay, nararapat lamang na ilantad sila sa publiko upang hindi na sila pamarisan ng kanilang kabaro. Di ba mga suki? At siguradong may kalalagyan itong si P/Colonel na dating Provincial Director ng CALABARZON na naiulat na matagal ng ka-partner ang isang Lady Official at kasama-kasama sa lahat ng lugar na madidestinuhan niya. Hehehe?
Anong hangin kaya ang pumasok sa utak ni Sir at nagawa niya ang pambubugbog kay lady official? Kaya’t tuloy malakas ang usap-usapan mula sa hanay nitong mga retarded este retired policeman na gusto na nitong itiwalag sa kanyang Paraiso. Hehehe? Ang masakit nito, oras na magkaharap itong si Calinisan at itong si Colonel, baka magiba ang ihip ng hangin kasi nga malupit din namang magpataw ng parusa si Calinisan sa mga ka-pulisan na nagkakasala.
Di ba mga suki? At oras na maging malamya at tatalikuran lamang ni Calinisan ang pagbigay ng mabalasik na parusa aba’y, maghihinala itong aking mga nakausap na mga retarded este retired police na may kinikilingan si Commissioner. Get n’yo mga suki? May balita kasi na si Colonel ay naging appointee ni PBBM kaya’t may tikas ito sa hanay ng PNP. Sabagay kung gustong linisin ni PNP chief P/Gen. Jose Melencio Nartatez ang PNP, ito ang dapat na maging eye opener sa kanya dahil sa imoral ay siguradong swak na itong si sir at ang masakit pa nito, nagtatago ang mga ito sa uniporme ng pulisya. Oras na mabigyan na ito ng tamang panahon tiyak na ibabandera na nina Calinisan at Nartatez sa publiko itong si Lover Colonel. Hehehe! Abangan!
- Latest

















