Pagkain para sa baga
NARITO ang mga pagkain na panlaban sa pamamaga ng baga (lungs). Nakababawas ang mga ito ng sintomas.
1. Ang green tea ay naglalaman nang maraming anti-oxidants na makatutulong para maiwasan ang pamamaga ng baga. Ang compounds nito ay maaari rin protektahan ang tissue sa baga para sa nakapipinsalang epekto ng paglanghap ng usok ng sigarilyo.
2. Ang orange na prutas at gulay gaya ng kalabasa, orange, at papaya ay puno ng antioxidant na sustansiya para sa baga. Kabilang din ang Vitamin C na kilalang panlaban sa impeksyon at pamamaga.
3. Ang omega-3 fatty acids na matatagpuan sa isda gaya ng sardinas, tamban, tuna at salmon ay tumutulong para mabawasan ang pamamaga ng baga at panlaban din sa bakterya.
4. Ang beans ay maganda sa baga sapagkat may taglay itong zinc, selenium at manganese.
5. Ang mani ay nagbibigay sa katawan ng Vitamin E, at nakatutulong na bawasan ang pamamaga at palakasin ang immune system.
6. Ang pag-inom nang maligamgam na tubig ay makabubuti para maprotektahan ang baga sa iritasyon sa pamamagitan ng pag-alis ng plema. Importante na laging sapat ang tubig sa katawan para lumabnaw ang plema at madaling mailabas upang hindi bumara sa daanan ng hangin.
- Latest