^

PSN Opinyon

Kumikita ng P30K a-month...JM's HYDROPONICS GARDEN

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayon araw na ito, isa na namang matagumpay na gardener ang aking ibabahagi sa inyo na kapupulutan ninyo ng aral, inspirasyon at motivation sa pagtatanim ng halaman.

Ang aking tinutukoy ay si Jeric Marañon ng No.4 Aratiles Extension, Purok 3, News Cabalan, Olongapo City.

Nagsimula lang si Jeric sa P1000 puhunan na kanyang pinambili ng tuna styrobox na kanyang tinaniman, seeds ng lettuce at liquid solution. 

Ngayon ay kumikita na si Jeric ng nasa 25,000 to 30,000 a month, nasa bahay lang siya kasama ng kanyang pamilya at kanyang girlfriend.

Ayon kay Jeric, noong una ay hina-house to house niya sa kanilang lugar ang kanyang mga ani at ibinebenta niya sa kanilang palengke.

Pero ngayon ay may regular na suki na rin si Jeric, ang Samgyupsal Restaurant sa Olongapo  at ang mga regular na kumukuha sa kanya.

Bukod sa fresh lettuce ay nagbebenta na rin ngayon si Jeric ng Chips lettuce at marami na ring tumatangkilik o bumibili sa kanya.

Sinabi ni Jeric, dumaan din siya sa maraming pagsubok pero hindi siya sumuko. Sa halip ay patuloy siyang nagsaliksik hanggang ma-perfect ang pagtatanim ng iba’t ibang variety ng lettuce.

Ayon kay Jeric, gumagamit siya ng makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng Hydroponics “Kratky”  at NFT method of farming. 

Bukod sa mga lettuce, mayroon din tanim na ubas at green leafy vegetables si Jeric sa kanilang bakuran na personal consumption lamang nila ng kanyang pamilya.

Napapalaki ni Jeric na hanggang 500-grams ang kanyang mga tanim at kanyang binebenta ng 50 per cup, 140 naman kung 3 cups habang ang lettuce chips ay 70 per pack.

Aniya, puwedeng pang-samgyup salad, tacos, burger,  at sandwich ang kanyang mga harvest.

“Fresh & hydroponically produced, no pesticides, no insecticide, young, fresh, clean, healthy, and definitely delicious,” ani Jeric patungkol sa kanyang mga tanim.

Ang regular na tanim ni Jeric ay Batavia at Olmetie variety dahil iyon ang gustung-gusto na bilhin sa kanya ng kanyang mga suki.

Payo ni Jeric sa mga gustong matutong magtanim o magtayo rin ng garden o farm,  ang pagpaplano at pag-aaral ng mga paraan ng pagtatanim ay importante. 

Aniya, mahalaga ang dedikasyon sa pag-aalaga ng mga tanim at palagiang i-apply ang Tender Love and Care (TLC) sa mga ito.

Maraming benepisyo ang nakukuha ni Jeric sa pagtatanim tulad ng pagkakaroon ng sariwang at malusog na pagkain, pagpapabuti ng kalusugan at kapaligiran, at ang pagkakaroon ng kita sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga ani niyang masarap at masustansiyang lettuce.

Sa mga residente ng Olongapo City na nagnanais bumilii at gustong matuto ng pagtatanim tulad ng ginagawa ni Jeric,  i-text lamang po ninyo siya sa 0930-128-00-35. Magpakilala po muna kayo at sabihin ang sadya ninyo.

Ngayon Linggo, March 23, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Jeric sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

GARDEN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->