^

PSN Opinyon

Dagdag training sa pagiging holdaper

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

NABULABOG ang Davao City noong nakaraang linggo dahil sa panghoholdap sa isang pawnshop ng mga armadong lalaki.

Ang hinoldap ay ang Hannah’s Pawnshop sa Ilustre Street sa lungsod na ito na naganap sa loob lamang ng ilang minuto ayon sa mga awtoridad.

Nakatangay ang mga holdaper ng mahigit P100-million at iba pang mga mahahalagang bagay sa Hannah’s Pawnshop.

Ang panghoholdap ay nagbunga nang maraming katanungan kaysa kasagutan. Maraming nagtaka sa nangyaring holdapan. Hindi rin sila makapaniwala.

Anong klase raw na mga holdaper ang sumalakay sa Hannah’s na ginawa ang pagnanakaw in broad daylight? Ayon sa mga awtoridad, nangyari ang holdapan ng alas diyes ng umaga.

Ang mga sumunod na pangyayari ang kahindik-hindik. Matapos malimas ang pawnshop, tumakas ang mga holdaper gamit ang kanilang get-away vehicle, isang kakarag-karag na motorsiklo. Ang siste, naubusan ng gasolina ang motorsiklo at huminto sa gitna ng kalsada kung saan maraming tao ang nakakita sa kanila.

Eto pa, mukhang hindi tagarito sa Davao City ang mga holdaper dahil hindi nila alam na istrikto ang mga awtoridad dito sa paggamit ng helmet kapag nagmo-motor.

At anong klaseng holdaper ang mga ito na lantaran nilang binandera ang kanilang mga mahahabang armas. Merong pinapairal na gun ban ang Comelec.

Nahuli ang isa sa mga holdaper pagkatapos ng habulan na umabot hanggang Bankerohan Public Market.

Ang nahuling holdaper ay may suot daw na pulang brief. Maraming nagsasabi na suwerte raw ang pagsusuot ng pulang brief.

Ewan. 

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with