Asenso ng Makati, ramdam ng bawat Proud Makatizen

(Part 1)

MAY isa na namang balita na dapat nating ipagmalaki! Nitong 2023, ang Makati ay nakapagtala ng 6.3 percent GDP growth—ibig sabihin, umabot na ang ating lungsod sa halagang ekonomiya na P1.18 trilyon. At hindi lang ‘yan! Tayo rin ang may pinakamataas na per capita GDP sa buong Pilipinas na P 1,778,002.

Ang galing, di ba? Ang Makati talaga ang nangunguna pagdating sa kaunlaran!

Pero alam niyo, para sa akin, ang tunay na tagumpay ay hindi lang nasusukat sa numero. Ang tanong ko ay laging ito: “Ramdam ba ng bawat Proud Makatizen ang pag-asenso?” At masasabi ko nang buong puso—oo, ram­dam na ramdam natin ito!

Dahil sa matatag nating ekonomiya, nagagawa nating palawakin at pagbutihin ang mga serbisyong tunay na nakakatulong sa buhay ng bawat isa.

Sa larangan ng kalusugan, halos 80,000 residente ang patuloy na natutulungan ng Makati Health Plus (Yellow Card), na nagbibigay ng libreng healthcare services. Kabi­lang dito ang libreng gamot, konsultasyon, diagnostic tests, hospitalization, dialysis at chemotherapy.

Meron tayong Ospital ng Makati at Makati Life Medical­ Center para tiyaking may maaasahan ang bawat pamilya sa kanilang pangangailangang medikal.

Sa edukasyon naman, tuluy-tuloy ang suporta natin sa mga estudyante. Libre ang school supplies, uniporme, at tablets para sa kanilang pag-aaral.

Para naman sa mga gustong magpatuloy sa kolehiyo o kumuha ng skills training, andiyan ang ating scholarship programs na nagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga kabataan.

Itutuloy

Show comments