Mga KasamBuhay, kumusta na ang tulog niyo?
Dahil sa pagiging busy sa career, marami sa ating mga professional ang madalas na hindi na nakakakuha ng wastong oras ng tulog. Isama mo na dyan ang mga tulad kong pinagsasabay-sabay ang iba’t ibang project at halos buong araw na nagtatrabaho.
Pero dapat nating tandaan na hindi dapat tayo masanay sa ganitong lifestyle. Hindi lang humahantong sa kaunting puyat at pagiging antukin ang patuloy na pagpupuyat — may masamang epekto din ito sa kalusugan.
Ayon sa mga pag-aaral tulad ng sa National Institutes of Health sa US, ang kakulangan sa tulog ay nagdudulot ng mga mas malalim na kundisyon sa ating pangangatawan at pag-iisip.
Sa aming pagbisita sa The Farm at San Benito, muling tumatak sa akin kung gaano kahalaga ang wastong tulog at pagpapahinga.
Kasama si Nonong, ang aking mister, sinubukan namin ang Sleep Induction Therapy ng The Farm, na binuo para sa mga tulad kong nahihirapang makatulog.
At dahil isa rin ako sa mga tulad ninyong naniniwala sa galing ng holistic healing at integrative medicine, excited akong subukan ang therapy na ito. Hindi ako na-disappoint, mga KasamBuhay — isang transformative experience ang hatid sa amin ng sleep induction therapy, na natural na nagbabalik ng normal na sleep cycle at nakakatulong din sa kalusugan.
‘Sleep induction therapy’ sa ‘The Farm’
Ang sleep induction therapy ay pinaghalong tradisyonal na healing techniques at makabagong teknolohiya. Isa sa mga paborito ko ay ang Relaxology, isang paraan ng pagmamasahe na parang tinutunaw ang stress at pagod sa loob ng katawan mo.
Meron ding personalized coaching at mga holistic health consultation. Sa mga konsultasyong ito, hindi lamang physical health ngunit pati na ang psycho-emotional at spiritual health ang kinokonsulta at nabibigyang-linaw, para makabuo ng isang sustainable plan para tuloy-tuloy ang wellness pagtapos ng retreat sa The Farm.
Dito rin nahanap ng aking mister ang kanyang bagong paboritong treatment, ang sensory deprivation water pod. Ang tubig sa loob ng pod ay may 454 kilo ng Epsom salt, kung saan pwede kang magpalutang habang nagre-relax. Hindi lang ito nakakatanggal ng muscle tension, ngunit maganda rin sa balat!
Kasama rin nito ang mga mas advanced na therapy tulad ng Brain Biofeedback at ang Vital Dome. Nakakamangha panoorin ang proseso: binabasa ng Brain Biofeedback ang electromagnetic fields ng neural cells sa ating utak na siya ring magsasabi kung may imbalance na nakakaapekto sa pagtulog.
Ang Vital Dome ay gumagamit naman ng far-infrared technology para bigyan ang katawan ng mga benepisyong nakukuha natin mula sa araw tuwing sunrise at sunset. Ito ay bahagyang nagtataas ng temperatura ng katawan, tungo sa detoxficiation, pagre-relax, at siyempre, mas mahimbing na tulog.
Wellness sa pagkain at pamumuhay
Bukod sa mga therapy at wellness treatments, kilala din ang The Farm sa commitment nito sa healthy living, dahil sa farm-to-table philosophy at plant-based cuisine na matitikman sa “ALIVE” na vegan restaurant at “PESCE” na pescatarian naman. Siksik sa phytonutrients, enzymes at antioxidants na masustansya at malaking tulong sa natural na detoxification process ng ating pangangatawan.
Kung makakabalik ang aming pamilya, sure akong susubukan namin ang kanilang living foods preparation classes, para mapalawak pa ang aming kaalaman tungkol sa plant-based eating at kung paano gawing mas masustansya ang mga niluluto namin sa bahay.
Nakakatuwa ring malaman na ang mga wellness workshop, tulad ng stress management, emotional healing, at art therapy ay inaalok rin hindi lamang sa mga in-house guests, ngunit pati na sa mga kalapit na komunidad ng The Farm.
Ang paborito ng pamilya sa The Farm: Acqua Wellness
Habang isang personal highlight sa akin ang sleep therapy program ng The Farm, hindi ko rin malilimutan ang bonding ng pamilya sa Family Acqua Wellness ng The Farm. Sa loob ng dalawang oras na session nito, iba’t ibang water therapy ang aming nasubukan. Hindi lamang physical relaxation ang dala nito, kundi ay pagkakataon rin para sa quality time ng pamilya.
Perfect ito para sa aming mag-asawa at ang tatlo naming anak para sabay-sabay na maranasan ang pag-unwind bilang isang pamilya. Sa mga water therapy, ang naging paborito ko ay ang ring acupressure at ring water treatment.
Para sa mga first-time visitors ng The Farm, ito ang isa sa mga nangunguna sa mga rekomendasyon ko, lalo na kung kasama ninyo ang buong pamilya.
Ang kinabukasan ng wellness tourism sa Pinas
Sa pagbisita ng aming pamilya sa The Farm, mas namulat pa ako sa potensyal ng ating bansa bilang isang wellness destination. Totoo na marami pa tayong maaaring ialok sa mga bisita ng ating bansa. At bukod pa rito, maghahatid din ito ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa ating mga kababayan sa sektor na ito.
Bukod pa rito, isa sa mga nangangasiwa ng Wellness Tourism Authority of the Philippines o WeTAP — itinatag nitong nakaraang Setyembre lamang — ang Global Head of Sales ng The Farm na si Jennifer Sanvictores, kaya’t mas tumitibay rin ang paniniwala ko sa maliwanag na kinabukasan ng wellness tourism sa ‘Pinas.
Hangarin ng WeTAP na iangat ang sektor ng wellness tourism ng Pilipinas, at excited na rin akong makitang tanyag sa buong mundo ang galing ng Pilipino sa larangang ito.
Napatunayan sa akin ng The Farm na may kanya-kanya tayong style ng pagre-relax. Hindi one-size-fits-all ang konsepto ng wellness, at nakasalalay sa atin kung paano natin mabibigyan ng wastong pangangalaga ang ating pangangatawan at isipan.
Masaya ang aming pamilya na sa pagbisita namin sa The Farm, naging mas malalim ang pag-intindi namin sa konsepto ng wellness, at kung ano ang kailangan nating gawin upang tunay na maramdaman ito.
------
I-follow ang aking social media accounts JingCastaneda Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok and Twitter. Ipadala ang inyong mga kuwento at suhestiyon sa editorial@jingcastaneda.ph.