^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Gawing eskuwelahan ang mga POGOan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Gawing eskuwelahan ang mga POGOan

Ang mga sinalakay na POGO hubs sa Tarlac at Pampanga ay maaring i-convert na mga eskuwe­lahan o kaya’y tanggapan ng gobyerno. Sa lawak at dami ng mga gusali ng POGO sa mga nasabing pro­binsiya, maraming mag-aaral na makikinabang kung gagawing eskuwelahan ang mga ito. Malaking tulong sa Department of Education (DepEd) kung gagawing eskuwelahan ang POGO hubs. Bukod sa konkreto ay kumpleto pa sa mga pasilidad kaya makikinabang ang mag-aaral. Taun-taon, lagi nang problema ng DepEd ang kakulangan ng silid-aralan. At nagagamit pang evacuation centers kapag may kalamidad ang mga eskuwelahan kaya laging suspendido ang klase.

Pinakamalaking POGO hubs na sinalakay ng Pre­sidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ay ang nasa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga. Sa Bamban, kung saan naging mayor si Alice Guo, ang POGO hubs ay nasa 36 na gusali na nakatayo sa ma­laking compound na umano’y pag-aari ni Guo. Nasa likod ng munisipyo ang POGO hubs.

Pero kung malaki ang POGO hubs sa Bamban, mas malaki at sophisticated ang POGO hubs sa Porac na nasa 46 na gusali. Nakatayo ang mga gusali sa isang malawak na lupain. Bukod sa POGOs, nag-o­operate din doon ang iba pang illegal na negosyo gaya ng money scam at prostitution. Kumpleto sa pasilidad ang POGO hubs sa Porac.

Bukod sa Bamban at Porac, marami ring POGO hubs sa Parañaque at Pasay. Nasa mga malalaki ring gusali ang mga ito na maaaring gawing eskuwelahan o kaya’y tanggapan ng gobyerno. Malaking tulong kung gagamitin ng mamamayan ang mga POGO hubs at malaking katipiran sa gobyerno.

Marami ring POGO hubs sa Cavite na sinabi ni DILG Jonvic Remulla na ipasasara niya sa Disyembre 15. Nasa malalaking gusali ang POGO hubs na tamang-tamang gawing school o government offices. Puwede ring gawing evacuation centers ang mga gusali ng POGO.

Sabi ng PAOCC, nasa 200 POGO hubs pa ang nag-o-operate at ang karamihan ay nasa probinsiya. Nasa malalaking building din umano ang mga ito at nag-eempleyo pa nang maraming tao. Sabi ng PAOCC, unti-unti na nilang malilipol ang mga POGO bago pa ang pagtatapos ng 2024 gaya ng direktiba ni President Marcos Jr.

Magandang ideya na i-convert sa mga eskuwelahan ang mga gusali ng POGO. Ito ang sagot sa kakulangan ng mga classrooms. Sana magkaroon ito ng katuparan. Kung magagamit ang mga gusali, maaaring wala nang magdaraos ng klase sa ilalim ng punongkahoy.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with