^

PSN Opinyon

Ang mga palatandaan kung may diabetes

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang mga palatandaan o senyales kung may diabetes. May nararamdamang pamamanhid, laging uhaw, madalas umihi, o namamayat. Mas mataas din ang posibilidad kung may lahi ka ng diabetes.

Ipinapayo ko na magpa-check sa doktor. Dapat masuri ang iyong asukal sa dugo.

Kapag ang blood sugar ay higit sa 105 mg/dl pagkatapos ng 10 oras na hindi pagkain (fasting blood sugar), nanganga­hulugang may diabetes ka na.

Ang ibig sabihin nito ay 20-50 percent ng iyong mga selula sa pancreas ay nasira na ng diabetes.

Gagaling pa ba ito? Hindi ito mapapangako ng doktor, pero maaari pa nating maisalba ang mga gumaganang parte ng pancreas.

Simple lang ang gamutan sa diabetes. Una, magdiyeta­ at mag-ehersisyo. Bawal ang matataba at matatamis. Umiwas sa softdrinks, iced tea at mga juice. Magtubig ka na lang. Mag-ehersisyo ng mas regular. Kailangan ay pinapawisan.

Pangalawa, kung mas mataas pa sa 125 mg/dl ang iyong fasting blood sugar ay puwede nang magsimula ng gamot. Marahil ay hindi na makukuha sa diyeta iyan.

May mga mura, mabisa at epektibong gamot sa diabetis. Ito ay ang (1) Metformin 500 mg na tableta, mula 1 hang­gang 3 tableta sa maghapon; (2) Gliclazide 80 mg na tableta, mula 1 hanggang 3 tableta sa maghapon.

Ang pag-inom ng gamot ay depende sa taas ng blood sugar. Mga P5 lang ang bawat isang tableta. Mas mura ang gamot sa Botika ng Bayan at Generics Pharmacy.

Sa pamamamagitan nitong dalawang gamot, dapat ay mapababa sa normal na lebel ang iyong blood sugar. Ang layunin natin ay mas bumaba pa sa 105 mg/dl ang iyong fasting blood sugar, at bumaba sa 140 mg/dl kung ika’y nakakain na.

Kung hindi mo tututukan ang iyong blood sugar, ay mapapabilis ang pagdating ng kumplikasyon nito. Mamamanhid ang paa at kamay. Lalabo ang mga mata. Hindi na kayang mag-sex. Masisira ang ugat ng puso.

At sa huli, mapuputol ang paa at masisira ang mga bato. Puwedeng umabot sa dialysis at pagkamatay.

Hindi biro ang diabetes. Huwag maniwala agad sa mga advertisement at supplements sa diabetes.

Ang dalawang binanggit kong mga gamot ang pinakamabisa at pinakasubok na gamot sa diabetes. Siguradong hahaba ang buhay n’yo sa mga gamot na ito. Kumunsulta sa inyong doktor.

May nagtanong sa akin: May diabetes ba kung nangingitim ang balat sa paa?

Marahil para sa mga kayumanggi ang kulay, iisipin na normal ang pangigitim ng balat. Ngunit makikita rin sa balat kung mas lalo itong umitim ay baka senyales na ng diabetes.

Kaya suriin ang iyong mga paa. Kung hindi ka sigurado kung mayroon kang diabetes, ipa-check ang fasting blood sugar.

Ang isang karaniwang komplikasyon ng diabetes ay pinsala sa mga ugat at daluyan ng dugo sa buong katawan.

Kaya naman, ang mahinang supply ng dugo sa mga binti ay nagdudulot ng pangingitim (isang black pigmentation) ng mga paa at binti. Sa medical term ay tinatawag na peripheral vascular disease.

Kung mapatunayan ang balat ay nangingitim, kailangan mong magpatingin sa iyong doktor. May mga gamot para makontrol ang diabetes.

DIABETES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with