^

PSN Opinyon

Biktima ng identity theft at ng bulok na gobyerno

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Biktima si Lt. Jessa Mendoza ng identity theft—at ng bulok na gobyerno.

Sampung taon na siyang sundalo mula mag-PMA Class 2004. Malimit magpatrulya sa West Philippine Sea kontra manlulupig.

Wala siyang ibang hanapbuhay. Pero nu’ng Abril 2023- Hulyo 2024 tatlong beses siyang siningil ng BIR ng buwis para sa tatlong umano’y kompanya niya. Hinabla siya kasi hindi raw nag-remit ng SSS hulog ng mga empleyado; napi­litang magpiyansa ng P108,000-cash.

Humiling siya sa SEC ng listahan ng mga kompanya kung saan incorporator daw siya. Laking gulat niya na 193 ito; mahigit kalahati o 102 ay tunog-Chinese ang pangalan at may kasosyong Chinese.

Wala siyang kinalaman sa lahat ng ito, aniya sa Senado nu’ng Hulyo 10. Dalawa sa 193 ay ilegal na POGO na ni-raid ng awtoridad: Hong Tai Corp., at Yangtze River Holdings. Ani Sen. Risa Hontiveros, ang may-ari ng Yangtze River Group ay si Michael Yang, Special Economic Adviser ni President Rody Duterte.

Screen grab mula Senado

Si Yang ang kapitalista ng Pharmally, na kumulimbat ng P12.7 bilyon—mga peke at palsipikadong pandemic supplies—sa Duterte admin. Demandado lahat ng kasapakat, maliban kay Yang.

Nakuha ni Mendoza ang rehistro ng kompanyang nanloko sa SSS. Hindi totoo ang notaryo publiko na nagrehistro nito.

Katatapos lang niyang mag-law school. Nangangamba siya na maglaho ang balak na mag-abogada; pati Navy career baka madungisan.

Magpapalusot ba ang SEC na tagatanggap lang sila ng papeles pero hindi tagasuri? ‘Yan ang alibi ng Comelec­ kaya pinatakbong mayor si pekeng Pilipinong Guo Hua Ping alyas Alice Leal Guo.

Nagpasuhol ba ang SEC at Comelec tulad ng Immigration, Customs, retirement authority, municipal birth registries, fire at building inspectors, pulis, at iba pa na nagpalusot sa mga espiyang Chinese.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with