^

PSN Opinyon

Pagkulo ng tiyan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Narito ang mga dahilan kung bakit kumukulo ang tiyan:

1. Kapag may ulcer o hyperacidity, sumasakit sa itaas ng tiyan sa lugar ng sikmura. Ang sakit na ito ay kadalasang nararamdaman kapag ika’y gutom. Nababawasan ang sakit kapag kumain ka ng saging o tinapay. Uminom din nang maraming tubig para mahugasan ang asido sa tiyan.

2. Kapag nagugutom, humihilab ang sikmura at bituka para ilabas ang natitirang pagkain na kinain. Kapag naka­kain na tatahimik ang tiyan.

3. Kapag na-stress, may paikut-ikot na sakit sa tiyan, kasama na ang paghilab ng bituka. Ito ang tinatawag na “butterflies in your stomach.”

4. Kapag nakakain ng panis o nakainom ng maruming tubig, puwedeng humilab ang tiyan at magtatae. Uminom nang maraming tubig, kumain ng sopas, lugaw at saging.

5. Ang iba pang dahilan ng pagkulo ng tiyan ay bato sa apdo (gallbladder stone) at kanser. Makabubuting kumun­sulta sa doktor.

TIYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with