^

PSN Opinyon

Inflation bumilis economy rumaratsada

AKSYON NGAYON - Pilipino Star Ngayon

Dalubhasang economist si finance secretary Ralph Recto at ayon sa kanya, nangunguna sa mga bansa sa ASEAN ang Pilipinas sa paglago ng ekonomiya. Ngunit sa isang kasabay na balita, sinasabing bumilis ang inflation o pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Paano ito maipauunawa sa ordinaryong tao? Para sa pangkaraniwang Juan at Juana dela Cruz, ang sukatan­ ng magandang takbo ng ekonomiya ay ang presyo ng mga pangunahing paninda tulad ng bigas at pagkain. Ayon kay Recto, nasa 6.3 porsyento ang bilis ng pag-unlad ng eko­nomiya kumpara sa ibang bansa sa ASEAN.

Pero gaya nga ng tinuran ni Presidente Bongbong sa kanyang SONA kamakailan, gaano man kaganda ang mga numero, kung hindi nararamdaman ito ng mga mamamayan ay bale wala.

Maaaring maging mitsa ng galit ng mamamayan ang pag­sasabi ng pamahalaan ng mainam ang takbo ng eko­no­miya. Iisipin nilang sila ay pinaiikot lamang.

Hindi naman dahil good performing ang ekonomiya ay reflected­ agad ito sa halaga ng mga bilihin. Ang ibig lang sabihin ay nasa ayos ang mga policy at hakbang ng pama­­halaan para makaagapay sa mga problema sa ekonomiya ng daigdig. Ang lahat ng bansa ay nagsisikap umagapay sa mga pagbabago at sa ASEAN, tayo ang sinasabing nangu­nguna.

Ang mga digmaan at geopolitical tension sa daigdig ang nagiging dahilan upang tumaas ang presyo ng krudong langis kaya nagsusunuran ang presyo ng ibang paninda. Hindi lang Pilipinas ang dumaranas ng ganyang kahirapan­ kundi ang bawat bansa sa daigdig. Kailangan, pa­ma­halaan mismo ang magpaliwanag sa mamamayan.

ASEAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with