Honesty

LUMANG kawikaan man, naniniwala pa rin ako na “honesty­ is the best policy.” At sa pagpili ng mga opisyal na magpa­palakad sa pamahalaan, mahalagang pamantayan ang katapatan. Honesty.

Dati, kinakanta ko ang lumang awiting “honesty is such a lonely word, everyone is so untrue.” Totoo ba ito? Wala na ba’ng  nalalabing taong matapat?

Siyempre, mahalaga rin ang expertise o kakayahan­ ng tao lalo na sa leadership position na itatalaga sa kanya. Pero mahusay man sa kanyang larangan ang tao, kapag ito’y nanamantala sa kapangyarihan upang patabain ang lukbutan, ang bayan ay masasadlak sa kapahamakan. Nasaan na ang mga taong tapat? Naniniwala akong may­roon pa kahit sa mga nakapuwesto ngayon.

Ang problema, kapag ang honest leader ay pinalibutan ng mga dishonest, hindi man siya mahawa sa kanilang katiwalian, malamang ay mas mangibabaw ang lisyang kagustuhan ng nakararami. Demokrasya kasi tayo at hindi puwedeng magdikta ang leader.

Nalalapit na naman ang midterm elections upang piliin natin ang mga mambabatas at lokal na leader. Tingnan at suriin nating maigi ang track record ng kandidato. 

Huwag lang kapabilidad ang pagbasehan sa pagpili kundi ang integridad at katapatan ng kandidato. Huwag maakit sa popularidad kundi tingnan ang kabuuan ng pag­katao. 

Show comments