^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Desenteng evacuation centers, kailangan na

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Desenteng evacuation centers, kailangan na

May nakalimutan si President Ferdinand Marcos Jr. na banggitin sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, ito ay ang pagkakaroon nang maayos at permanenteng evacua­tion centers. Isa ito sa dapat iprayoridad ng pamahalaan sapagkat ang bansa ay lagi nang sinasalanta ng kala­midad. Taun-taon, mahigit 20 bagyo ang nananalasa sa bansa at ang mga ito ay mapanira. Madalas din ang pagbaha, pagputok ng bulkan at paglindol. Apektado ang mamamayan sa tuwing tumatama ang kalamidad. Wala silang masilungan sa oras ng pangangailangan.

Kahapon, sinalanta nang mala-Ondoy na baha ang Metro Manila at mga probinsiya sa Central, Southern at Northern Luzon dahil sa Bagyong Carina at habagat. Marami na naman ang nag-akyatan sa bubong ng kanilang bahay. Maraming ni-rescue lalo ang mga naka­tira sa tabing dagat. Dinala sila sa evacuation centers na karamihan ay sa mga eskuwelahan at covered court ng barangay. Nagsiksikan na naman ang mga tao sa evacuation centers.

Sabi ng PAGASA, ngayon araw na ito lalabas ng bansa ang bagyo pero magpapatuloy pa ang pag-ulan dahil sa habagat. Nagbabala ang PAGASA na bukod sa baha, mag-ingat din ang mamamayan sa mga pagguho ng lupa. Kahapon, apat na miyembro ng pamilya ang naiulat na namatay sa Agoncillo, Batangas nang gumuho ang lupa at natabunan ang kanilang bahay.

Simula na ng pagdalaw ng mga bagyo sa bansa at inaasahang titindi dahil sa epekto ng La Niña na mara­ranasan sa susunod na buwan at tatagal hanggang Nob­yembre. Ang La Niña ay nagdadala ng mga malalakas na pag-ulan, baha at pagguho ng lupa.

Ngayong nagsisimula na ang pagdalaw ng mga bagyo, malaking problema na naman ang evacuation­ centers na pagdadalhan sa mga nasalanta. Tuwing may kalamidad, malaking problema kung saan da­dalhin ang evacuees. At dahil walang mapagpipi­lian, sa mga school dinadala ang evacuees. Ang problema, ginagamit ng mga estudyante ang schools. Ma­­sa­sak­­ripisyo ang pag-aaralang mga bata kung gagamitin para sa evacuees.

Ang pagtatayo ng permanenteng evacuation centers­ ay nararapat nang isagawa ng kasalukuyang pama­ha­laan. Mahalaga ito sapagkat ang Pilipinas ay laging tinatamaan ng kalamidad.

Noong Nobyembre 2022, tinalakay ng mga mambabatas ang pagkakaroon nang permanenteng evacua­tion­ centers. Marami sa mga mambabatas ang sumang-ayon na dapat magkaroon sa bawat bayan ng evacuation centers. Pero lumipas ang ilang taon, walang eva­cuation centers na naitayo. Kaya, balik sa school ang evacuees.

vuukle comment

EVACUA­TION CENTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with