Hindi pa tapos ang PNP kay Quiboloy
AYON kay Philippine National Police Region XI Director Brig. Gen. Nicolas Torre III, hindi pa tapos ang composite team ng 3,000 policemen sa paghahanap kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.
Dalawang linggo nang hinahalughog ng PNP ang 40-ektaryang compound ng KOJC na nasa Diversion Road, Davao City.
Lahat na ng sulok ng KOJC ay nadaanan na ng mga equipment ng PNP. Nagkaroon na rin ng drilling sa loob ng KOJC dahil nagtatago raw sa bunker ang pastor.
Mayroon ding equipment na ginamit para masagap ang heartbeat kuno ni Quiboloy. Pero walang matagpuan ang PNP.
Nagsagawa na nga ng ocular inspection at public hearing noong Biyernes ang Senado sa nangyayari sa KOJC. Umabot sa malaking gulo sapagkat bato, buhangin at semento ang nabitbit ng mga pulis sa paghahanap kay Quiboloy.
At heto ang drama ng PNP. Sinabi ni Torre na hindi pa raw sila tapos sa paghahanap kay Quiboloy. Hindi raw aalis hangga’t hindi naisisilbi ang warrant of arrest sa butihing pastor.
Masyado raw malawak ang KOJC compound sabi ni Torre.
- Latest