^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Narinig din ang sigaw ng mamamayan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Narinig din ang sigaw ng mamamayan

NOONG nakaraang taon, sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na wala pa raw siyang nakikitang magandang dahilan para itigil ang operasyon ng Phi­lippine Offshore and Gaming Operators (POGOs) sa bansa. Sinabi pa niya na ang mga gumagawa lamang daw ng kasamaan ay ang mga illegal POGOs. Ipina-deport na raw ng Department of Justice ang mga Chinese na sangkot sa illegal POGOs. Ang mga ito ay sinabi ng Presidente sa gitna ng mga nagsulputang krimen—kidnapping, human trafficking, prostitution, investment scams at kung anu-ano pang illegal na akti­bidad na ang front ay POGO. Malakas ang panawagan na buwagin na ang POGOs. Pero dedma ang Presidente.

Pero noong Lunes, sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Marcos Jr. siya na mismo ang nag­hayag na ipinagbabawal na niya ang POGOs sa bansa. Inaatasan niya ang Philippine Amusement and Gaming­ Corporation (PAGCOR) na itigil ang operasyon ng POGOs bago matapos ang 2024. Sabi pa ng Presidente, kaila­ngang matigil na ang pang-aabuso, panggugulo at pag­lapastangan ng POGO sa ating bansa.

Ang pag-aanunsiyo niya na pagpapatigil sa POGO ay umani ng sigawan at standing ovation. Sabi pa ng Presidente, naririnig daw niya ang malakas na sigaw ng mamamayan laban sa mga POGO.

Kasabay sa pagpapatigil ng POGO, inatasan din naman niya ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ihanap ng trabaho ang mga Pilipino na apektado sa pagpapatigil ng POGO. Ayon sa report, 40,000 Pilipinong manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa pagbuwag sa POGOs.

Mabuti at nakinig si Marcos Jr. sa sigaw ng ma­ma­­mayan laban sa POGOs. Ngayong mawawala na ang “salot” na POGOs sa bansa, makatitiyak nang mag­­kakaroon ng katahimikan sa bansa. Mula nang mag-operate ang POGO noong 2017 sa panahon ng Duterte administration, nasakmal ng takot ang mamamayan sa dami ng krimen.

Ang nakadidismaya, walang naitulong ang POGO sa pag-unlad ng ekonomiya. Niloko ng POGO ang pama­halaan sapagkat walang naiakyat na tulong sa pana­na­lapi. Marami ang sa POGO ang hindi nagbabayad ng buwis. Sila lang ang nakinabang.

Inagaw pa ng mga illegal POGOs ang serbisyo ng mga korap na pulis sapagkat ginagawang bodyguard ang mga ito. Maraming POGO officials ang nagha-hire ng sundalo at pulis para sila bantayan. Ang POGO rin ang dahilan kaya maraming naging korap sa Bureau of Immigration. Ginatasan ang mga Chinese sa pamamagitan ng “pastillas scam”.

Ngayong durog na ang POGO, makakabangon na ang bansa sa bangungot.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with