^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sampolan mga ganid na traders ng sibuyas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sampolan mga ganid na traders ng sibuyas

Magandang hakbang ang ginawa ng Philippine Competition Commission (PCC) nang maghain ng reklamo sa 12 traders at importers ng sibuyas bilang “cartel” dahilan para mamatay ang pinagkakakitaan ng mga lokal na magsasaka ng sibuyas sa bansa. Kinokontrol ng mga ganid na traders at importers ang presyo ng sibuyas dahilan para tumaas ang halaga nito. Hino-hoard din ng traders ang sibuyas kaya walang mabili ang consumers. Kapag nilabas ng hoarders, mataas na ang halaga na parang “ginto”.

Ayon sa PCC Enforcement office, nagsimulang pumasok ang traders sa “anti-competitive agreements” para sa suplay ng imported onions noong 2019 hanggang 2023. Nakipagsabwatan umano ang mga ito para makontrol ang presyo at limitahan ang kompetisyon na lubhang nakasasama sa mga konsyumer at higit sa lahat, sa ekonomiya ng bansa. Ito ang unang paghahain nila ng kaso laban sa cartel dahil sa paglabag sa Philippine Competition Act.

Ayon sa PCC ang anim na kompanyang kinasuhan nila ay ang Philippine Vieva Group of Companies Inc., Tian Long Corp., La Reina Fresh Vegetables and Young Indoor Plants Inc., Yom Trading Corporation, Vieva Phils Inc., Golden Shine International Freight Forwarders Corp. Samantala, ang anim na indibidwal na sinampahan nila ng reklamo ay sina Mark Castro Ocampo, Nancy Callanta Rosal, Lilia Cruz, Eric Pabilona, Renato Francisco Jr. at Letty Baculando.

Magandang simula ang ginawa ng PCC na pagsasampa ng reklamo sa mga ganid na onion traders. Nararapat na may masampolan sa kanila. Hindi naman maaasahan ang mga mambabatas sapagkat pawang banta lang sila na kakasuhan ang mga nagmamanipula sa presyo ng sibuyas subalit walang nangyayari.

Ang pagsasampa ng kaso sa 12 onion traders ay babala na rin sa mga smugglers ng vegetable products na inaasahang magiging talamak ngayong “ber” months.

Noong nakaraang buwan, nakasamsam ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ng 300 tonelada ng smuggled na gulay nang salakayin ang dalawang bodega sa Navotas City. Ang isa sa mga bodega ay naglalaman ng 132.75 tonelada ng puting sibuyas na nagkakahalaga ng P21.2 milyon samantalang ang isa pang bodega ay may laman na 89.89 tonelada ng carrots na nagkakahalaga ng P13.48 milyon. Bukod sa sibuyas at carrots, nakakumpiska rin nang maraming kamatis at mushrooms.

Sa kabila na nagbabala si President Ferdinand Marcos na hahabulin at kakasuhan ang agricultural smugglers at hoarders, wala ring epekto. Patuloy ang smuggling ng gulay at walang ibang nasasalanta kundi ang kabuhayan ng mga maliliit na magsasaka ng gulay at ang pamahalaan sa kabuuan dahil hindi nagbabayad ng tax ang mga ganid at hidhid na traders.

PCC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with