^

PSN Opinyon

Gimik na di Umubra

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Nang panatilihin ni Presidente Bongbong Marcos si VP Sara Duterte bilang DepEd Sec. marami ang nagtataka. Sinabi pa ng Pangulo na buo ang tiwala niya kay VP Sara para pangasiwaan ang DepEd.

Bakit? Anang mga nagtatanong. Sa kabila ng pagdalo ni Sara sa mga anti-Marcos rally ay sinasabi pa ng Pangulo na hindi pa masisira ang unity team. Talagang hinihintay ni Sara na sibakin siya ng Pangulo. Kasama iyan sa game plan ng mga Duterte. May following si Sara at kapag sinibak siya ay puwedeng magalit ang mga ito sa Pangulo.

Alam na ng lahat ang buong kuwento kaya huwag na nating idetalye. Gumamit si Marcos ng reversed psychology.

Nabasa na ni Marcos ang plano ng mag-ama na naglalayong iupo nang wala sa panahon si Sara. Hindi pum’wede ang gimmick! Marami pa nga ang humanga kay Marcos pati na marahil sa hanay ng mga Duterte followers.

Isa lang bagay ang mahihinuha natin sa senaryong ito. Hinala lamang ito ngunit batid natin ang pangangayupapa ni Duterte sa China na galit kay Marcos. Kung babalik ang Duterte sa poder, malayang magagawa ng China ang ano mang balak nito sa Pilipinas.

Lahat tayong nasa katinuan ang isip ay hindi nanaising mangyari iyan na tayo’y sakupin ng Tsina. Magkaiba tayo sa pagpigil sa ganyang posibilidad.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with